Isang Tanghaling Trapik sa West Ave.
Isang Tanghaling Trapik sa West Ave.
Dugong ipininta sa sako ang banderitas
Sa lamay ng pitumpu't tatlong taong
kinitilan ng (hanap)buhay habang umuusok
ang chicken mami at nagsasauna ang siomai.
Business as usual ang paskil sa tapat
Ng binarikadahang pinto sa likod
Ng bagong beautification project ng pamahalaan.
Itaas ang sahod at ibaba ang presyo
Ang sabi ng gumugulong na dugo sa sako.
Alumpihit sa bangketa ang mga bilad
Sa araw na bunbunan ng mga nagpicket sa Kowloon.
Habang sa katapat na kalsada
May mga nagpapalamig.
At nagkakape sa Starbucks.
Currently listening to: Tindahan ni aling nena - eraserheads
Currently reading: The Book Theif - Markus Zusak
Currently watching: nothing
Currently feeling: pissed
Posted by blackballoons at 12:59 AM | show the rainbow
